Sabado, Agosto 25, 2012

Larawan ng Pagkakaisa at Pakikisama ng mga tao sa Kadayawan Festival sa Davao

Ang Kadayawan Festival ay maganda , ligtas at nakaka-aliw sa paningin at panlasa ng mga tao. Maraming aktibidad at  mga pakulo tuwing ito'y ipinagdiriwang sa Davao. Katulad ng, paghahandog ng mga bagay na nakaka-aliw sa mga tao, na kung saan ginaganap ang pagpapakita ng talento sa pagsasayaw, ang sikat na "Indak-indak" at pagandahan ng disenyo gamit ang iba't-ibang bulaklak, ang sikat na "Flower Float Parade". Napakasay rin ng mga tao dahil sa halos lahat ng mga malls ay "nag-sale", ang Gaisano mall, NCCC mall, SM, Victoria at Abreeza Mall. Hindi rin paaawat ang mga maliliit na mga negosyante, sinulit nila ang pagkakataon upang kumita. Nagbebenta sila ng mga bagay-bagay sa maliit na presyo. At lalo pang nag-eenjoy lahat ng mga tao, dahil sa mga sunod-sunod na pagdalo ng mga artista sa mga mall, Kapamilya Stars man o GMA Stars ay dinagsa parin ng mga maraming dabawenyo at turista. Marami ang mga tao kahit saan ka pumunta, dahil halos lahat ng tao ay nagsasaya at nakilahok sa araw ng Kadayawan. Makikita mo din tuwing gabi, karamihan sa mga tao ay pumupunta sa mga bars dito sa davao upang mag-party, mapa-Star man yan o sa iba pa. Pati narin ang mga nagbebenta ng "durian ay kumita, dahil sa patok ito sa panlasa ng mga tao at patok rin ito tuwing Kadayawan Festival.

Tunay na ang "Kadayawan Festival" sa davao na ipinagdiriwang taon-taon ay masaya.




Biyernes, Agosto 17, 2012

Madayaw Dabaw!

Masaya ang araw na ito, maraming tao sa mga malls o pasyalan dito sa Davao, at matutunghayan ang iba't-ibang palabas na inihahandog nang ating Mayor Sarah Duterte. Bakit nga ba? At ano ang araw na ito?

Madayaw Dabaw! ang araw na ito (biyernes) ay "Kadayawan sa Dabaw" na ipinagdiriwang taon-taon. Maraming tao ang dumadagsa kapag "Kadayawan Festival" dito sa Davao, ito man ay foriegner o torista, hindi taga-davao, o sa malayong lugar ay pwede pumunta. At sa wakas makakakain narin ako ng Durian, hindi ko sinasabing walang bumebenta kapag hindi kadayawan, pero mas ganado akong kumain ng Durian kapag "Kadayawan Festival", nasasanay na yata ako. May plano sana akong pumunta sa mga malls ngunit napag-isip-isip kong marami pala mga tao doon, kaya hindi nalang ako punta. May mga umaanyaya rin sa akin pero hindi matuloy-tuloy, kasi nga maraming tao. Ang ginawa ko nlang buong araw ay naglinis ng aking silid at naglaba. Pagkatapos kong maglinis nagsilip kaunti sa "Facebook", at gumawa na ako nang aking takdang aralin sa Filipino 3, at ito na yun. At sa wakas nakaligo na rin.

Ganado ako sa araw na ito, dahil ramdam ko ang "Kadayawan" kahit na hindi ako nakapagliwaliw sa araw na ito.

Walang Tigil

"Mga ginagawang hindi dapat sanayin, mga ginagawang kailangan baguhin, at mga ginagawang dapat pagtuunan ng pansin". Mga linyang aking paulit-ulit na binabanggit, pero walang tigil ko itong binabalewala. Alam niyo ba kung bakit? At kung anu iyon? Simple lang, "tulog, kain, internet", paulit-ulit.

Sa araw na ito, walang pasok (huwebes), wala talaga akong planong pumunta sa unibersidad para tunghayan an iba't-ibang palabas sa pista, dahil sa ako ay napapagod, pwede rin namang sabihing nakakatamad pumunta. Ako ay nagising  nang alas 10 nang umaga, samakatuwid, bumalik na naman ako sa pagtulog. Nagising na naman alas 12 nang hapon, bumangon lang ako, dahil sa ako'y nagugutom. Nagpasya akong magluto ng kanin at bumili ng ulam ( Choks To Go) sa labas at bumili ng mainom (Royal drink) sa tindahan ng aming landlord. Nong naluto na ang kain, ako na ay naghain at kumain. Pagkatapos kung kumain, hindi ko maiwasang buksan ang aking laptop. Nang binuksan ko, syempre una kong binuksan ay "Facebook", marami kasi akong mga kaibigan dito na halos araw-araw na silang nakalublob sa computer. Nang napansin ko na ang katahimikan sa bahay (ako lang mag-isa) nagpasya akong magpatugtog at napakalakas pa talaga at sinabayan ko pa ng boses na parang kalabaw (ang lakas-lakas). Sa sobrang pagsubsob ko sa aking laptop, masakit na tuloy mata ko at ako'y nakatulog. Biruin mong nagising ako nang alas 3 nang hapon, kumain na naman ulit, at nag-internet pagkatapos. Diba paulit-ulit nalang? Aba! akalain mong nakalimutan kong maligo. At syempre, hindi talaga ako naligo, kasi daw makakasama sa aking mata, dahil nga subsob sa laptop.

Ang hirap talaga pag ito ang iyong ginagawa araw-araw. Hindi mabuti sa isang tao, lalong-lao na sa kanyang katawan. Napag-isip-isip ko, hindi ko makakamit ang aking minimithi na magkaroon ng magandang katawan kung ganito ang aking ginagawa at walang ehersisyo. Kung sa englis pa "let your body move".

Buhay Ng Isang Estudyante


May mga pagkakataong nahihirapan din kaming mga estudyante sa mga asignaturang pinag-aaralan namin ngayon. May mga panahong kailangan din naming iliwaliw ang aming sarili sa paligid. Tunay na kapag ikaw ay isang estudyante, maraming mga pagsubok na darating. Alam niyo ba kung ano ang nagpapasaya sa amin? At kung bakit ito ang nagpapasaya sa amin? Dito niyo rin malalaman kug anu-ano ang aking mga ginawa sa araw na ito na walang pasok.

Buhay ng isang estudyante ay napakalawak, kumbaga, may mararating kapag ikaw ay nakatapos na nang pag.aaral. Kahit gaano man kahirap ang mga gawain, ito'y kakayanin din. Tulad na lamang sa Unibersidad ng Ateneo, kami ay walang pasok ngayon, dahil sa ito'y pista na ipinagdiriwang taon-taon. Walang pasok ang nagpapasaya sa amin, dahil sa pwede kaming pumunta sa aming gustong puntahan. Sa araw na ito (myerkules), ang una ko talagang pinuntahan ay ang ATM machine sa tapat ng aming unibersidad, upang maglabas nang pera. Madami kasi akong babayaran, katulad nang renta sa bahay, sa internet, sa credit card at iba pa. At tsaka, may allowance na rin ako sa wakas. Ipinapadala kasi tuwing labing lima kada buwan. Ang aking kaklase na si Cheyenne ay nag.anyaya na pumunta kami sa China Town, upang bumili ng mga gamit doon kasi daw mura. Kasama sina Paolo, Lesley, at si Christine na aking matalik na kaibigan. Noong nabili na namin ang dapat naming bilhin, napagtanto namin na nakakagutom pala ang palakad-lakad, kaya napag-isipan namin na pumunta sa Lachi at kumain. At sa aking nakita doon, nakakagutom talaga ang kanilang binibentang mga cakes, at nagsimula na kaming umorder. Sa inorder ko palang na canned soda (sprite), grilled pork, at cake (nakalimutan ko ang pangalan dahil sa napakahirap banggitin), aba! akalain mong 189 pesos ang aking nabayaran? , pero nabusog ako dahil napakasarap talaga at hindi ka magsisisi na sa Lachi ka kumain. Napakasaya namin magbabarkada, tawanan kami ng tawanan dahil sa mga salitang aming binibitawan na nakakatawa. Pagkatapos naming kumain pumunta na kami sa unibersidad upang tunghayan ang "Musikahan" na kung saan kasali ang mga estudyante nang Ateneo na tumutugtog ng iba't-ibang awitin (acoustic version). Napakaganda at nakaka-inlove ang mga tinig ng mga mang-aawit. At nasaksihan rin namin ang napakagandang palabas ng "Fire Dancer" dalubhasa sa paggamit nang apoy. Dahil sa gabi na, napagpasyahan namin na umuwi na at hindi na namin itinuloy ang mga susunod pang palabas.

Masaya akong nakauwi sa bahay at nagpapasalamat rin ako sa panginoon na maayos ang kalangitan at hindi ito umuulan. Natapos rin ang araw ng myerkules na walang humpay ang kasiyahan. Kung gayo'y ang pagliwaliw (pag-enjoy sa sarili) ay siyang nagbibigay sa amin nang kasiyahan kahit saglit na walang pasok.