"Mga ginagawang hindi dapat sanayin, mga ginagawang kailangan baguhin, at mga ginagawang dapat pagtuunan ng pansin". Mga linyang aking paulit-ulit na binabanggit, pero walang tigil ko itong binabalewala. Alam niyo ba kung bakit? At kung anu iyon? Simple lang, "tulog, kain, internet", paulit-ulit.
Sa araw na ito, walang pasok (huwebes), wala talaga akong planong pumunta sa unibersidad para tunghayan an iba't-ibang palabas sa pista, dahil sa ako ay napapagod, pwede rin namang sabihing nakakatamad pumunta. Ako ay nagising nang alas 10 nang umaga, samakatuwid, bumalik na naman ako sa pagtulog. Nagising na naman alas 12 nang hapon, bumangon lang ako, dahil sa ako'y nagugutom. Nagpasya akong magluto ng kanin at bumili ng ulam ( Choks To Go) sa labas at bumili ng mainom (Royal drink) sa tindahan ng aming landlord. Nong naluto na ang kain, ako na ay naghain at kumain. Pagkatapos kung kumain, hindi ko maiwasang buksan ang aking laptop. Nang binuksan ko, syempre una kong binuksan ay "Facebook", marami kasi akong mga kaibigan dito na halos araw-araw na silang nakalublob sa computer. Nang napansin ko na ang katahimikan sa bahay (ako lang mag-isa) nagpasya akong magpatugtog at napakalakas pa talaga at sinabayan ko pa ng boses na parang kalabaw (ang lakas-lakas). Sa sobrang pagsubsob ko sa aking laptop, masakit na tuloy mata ko at ako'y nakatulog. Biruin mong nagising ako nang alas 3 nang hapon, kumain na naman ulit, at nag-internet pagkatapos. Diba paulit-ulit nalang? Aba! akalain mong nakalimutan kong maligo. At syempre, hindi talaga ako naligo, kasi daw makakasama sa aking mata, dahil nga subsob sa laptop.
Ang hirap talaga pag ito ang iyong ginagawa araw-araw. Hindi mabuti sa isang tao, lalong-lao na sa kanyang katawan. Napag-isip-isip ko, hindi ko makakamit ang aking minimithi na magkaroon ng magandang katawan kung ganito ang aking ginagawa at walang ehersisyo. Kung sa englis pa "let your body move".
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento