May mga pagkakataong nahihirapan din kaming mga estudyante sa mga asignaturang pinag-aaralan namin ngayon. May mga panahong kailangan din naming iliwaliw ang aming sarili sa paligid. Tunay na kapag ikaw ay isang estudyante, maraming mga pagsubok na darating. Alam niyo ba kung ano ang nagpapasaya sa amin? At kung bakit ito ang nagpapasaya sa amin? Dito niyo rin malalaman kug anu-ano ang aking mga ginawa sa araw na ito na walang pasok.
Buhay ng isang estudyante ay napakalawak, kumbaga, may mararating kapag ikaw ay nakatapos na nang pag.aaral. Kahit gaano man kahirap ang mga gawain, ito'y kakayanin din. Tulad na lamang sa Unibersidad ng Ateneo, kami ay walang pasok ngayon, dahil sa ito'y pista na ipinagdiriwang taon-taon. Walang pasok ang nagpapasaya sa amin, dahil sa pwede kaming pumunta sa aming gustong puntahan. Sa araw na ito (myerkules), ang una ko talagang pinuntahan ay ang ATM machine sa tapat ng aming unibersidad, upang maglabas nang pera. Madami kasi akong babayaran, katulad nang renta sa bahay, sa internet, sa credit card at iba pa. At tsaka, may allowance na rin ako sa wakas. Ipinapadala kasi tuwing labing lima kada buwan. Ang aking kaklase na si Cheyenne ay nag.anyaya na pumunta kami sa China Town, upang bumili ng mga gamit doon kasi daw mura. Kasama sina Paolo, Lesley, at si Christine na aking matalik na kaibigan. Noong nabili na namin ang dapat naming bilhin, napagtanto namin na nakakagutom pala ang palakad-lakad, kaya napag-isipan namin na pumunta sa Lachi at kumain. At sa aking nakita doon, nakakagutom talaga ang kanilang binibentang mga cakes, at nagsimula na kaming umorder. Sa inorder ko palang na canned soda (sprite), grilled pork, at cake (nakalimutan ko ang pangalan dahil sa napakahirap banggitin), aba! akalain mong 189 pesos ang aking nabayaran? , pero nabusog ako dahil napakasarap talaga at hindi ka magsisisi na sa Lachi ka kumain. Napakasaya namin magbabarkada, tawanan kami ng tawanan dahil sa mga salitang aming binibitawan na nakakatawa. Pagkatapos naming kumain pumunta na kami sa unibersidad upang tunghayan ang "Musikahan" na kung saan kasali ang mga estudyante nang Ateneo na tumutugtog ng iba't-ibang awitin (acoustic version). Napakaganda at nakaka-inlove ang mga tinig ng mga mang-aawit. At nasaksihan rin namin ang napakagandang palabas ng "Fire Dancer" dalubhasa sa paggamit nang apoy. Dahil sa gabi na, napagpasyahan namin na umuwi na at hindi na namin itinuloy ang mga susunod pang palabas.
Masaya akong nakauwi sa bahay at nagpapasalamat rin ako sa panginoon na maayos ang kalangitan at hindi ito umuulan. Natapos rin ang araw ng myerkules na walang humpay ang kasiyahan. Kung gayo'y ang pagliwaliw (pag-enjoy sa sarili) ay siyang nagbibigay sa amin nang kasiyahan kahit saglit na walang pasok.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento